Ang buong istorya ay makikita magmula Exodo 2 nang ang Anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Moises sa bundok sa pamamagitan ng umaapoy na puno hanggang sa mga sumusunod na talata. Sa Exodo 4 bersikulo 2 hanggang 4 ay ganito ang sinasabi
2.At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Ano iyang nasa iyong kamay? At kaniyang sinabi, Isang tungkod.
3. At kaniyang sinabi, Ihagis mo sa lupa. At kaniyang inihagis sa lupa, at naging isang ahas(nachas or nahash); at si Moises ay tumakas sa harap ng ahas.
4. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay, at sunggaban mo sa buntot: (at kaniyang iniunat ang kaniyang kamay, at kaniyang hinawakan, at naging isang tungkod sa kaniyang kamay).
Ikumpara sa Exodo 7:10 hanggang sa mga sumusunod na bersikulo.
10. At si Moises at si Aaron ay naparoon kay Faraon, at kanilang ginawang gayon gaya ng iniutos ng Panginoon, at inihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harap ni Faraon at sa harap ng kaniyang mga lingkod at naging ahas (tannin).
11. Nang magkagayo'y tinawag naman ni Faraon ang mga marunong at ang mga manghuhula, at sila naman na mga mahiko sa Egipto, ay gumawa sa gayon ding paraan ng kanilang mga pag-enkanto.
12. Sapagka't inihagis ng bawa't isa ang kanikaniyang tungkod, at nangaging ahas (tannin): nguni't nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila. 13. At ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
Maaring nang napakita ang Anghel ng Panginoon kay Moises sa bundok, ang kanyang tungkod ay naging ahas nga (nachas), pero nang makaharap na ni Moises at Aaron si Paraon, ito ay hindi na ahas kundi isang buwaya (tannin). Kung aaralin natin ang relihiyon ng mga Ehipsyo, mayroon silang dios-diosan na nagngangalang Sobek, ito ang dios nag ilog Nile na may ulo ng buwaya. Pinakikita ng Dios na walang kapangyarihan si Sobek laban sa Dios ang Israel.
I. Unang Salot, Pinapaging Dugo Ang Ilog (Exodo 7: 19 hanggang sa mga sumonod na talata)
19. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Kunin mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa tubig sa Egipto, sa kanilang mga ilog, sa kanilang mga bangbang, at sa kanilang mga lawa at sa lahat nilang tipunan ng tubig, upang mga maging dugo; at magkakadugo sa buong lupain ng Egipto, maging sa mga sisidlang kahoy at maging sa mga sisidlang bato.
20. At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron, gaya ng iniutos ng Panginoon; at kaniyang itinaas ang tungkod, at pinalo ang tubig, na nasa ilog, sa paningin ni Faraon, at sa paningin ng kaniyang mga lingkod; at ang lahat ng tubig, na nasa ilog ay naging dugo.
21. At ang isda, na nasa tubig ay namatay; at ang ilog ay bumaho at ang mga Egipcio ay hindi makainom ng tubig sa ilog; at nagkadugo sa buong lupain ng Egipto.
Si Hapi, ang kambal na dios, ang tinuturing nilang spirito sa ilog ng Nile. Kung babasahin ang kabuuan ng salaysay, naging dugo ang ilog sa loob ng 7 araw at walang tubig na mainom ang Ehipto at namatay lahat ng isda, naiisip ko tuloy na ang buong paligid ay amoy malansa. Pinakikita lang ng Dios na walang Dios sa ibabaw ng tubig at lupa kundi sya.
II Pangalawang Salot, Mga Palaka (Exodo 8: 1 hanggang sa mga sumunod na talata)
5. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Iunat mo ang iyong kamay pati ng iyong tungkod sa mga ilog, sa mga bangbang, at sa mga lawa, at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Egipto.
6. At iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa tubig sa Egipto; at ang mga palaka ay nagsiahon, at tinakpan ang lupain ng Egipto.
Si Heqet ang diosa ng Ehipto na may ulo ng palaka. Ang tungkod ni Aaron ang nagdala ng salot ng palaka. Nagkalat ang palaka sa lahat ng bahay sa Ehipto, pero walang nagawa ang mga Mahiko para paalisin ang mga palaka sa kanilang bayan.
III. Pangatlong Salot, Kuto (Exodo 8)
16. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron: Iunat mo ang iyong tungkod, at paluin mo ang alabok ng lupa, upang maging mga kuto sa lupaing Egipto.
17. At kaniyang ginawang gayon; at iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod, at pinalo ang alabok ng lupa, at nagkakuto sa tao at sa hayop; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egipto.
:
:
19. Nang magkagayo'y sinabi ng mga mahiko kay Faraon, Ito'y daliri ng Dios: at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
Si Geb ang dios ng sanlibutan ayon sa Ehipto. Sinasabing ang kanyang halakhak ang nagiging dahilan ng lindol. Sya daw ang ama ng mga ahas. Subalit nang maglabasan ang kuto galing sa ilalim ng lupa, pinakikita ng Dios kay Paraon na di sila kayang iligtas ni Geb. Ang pinagmatigas ng Dios ang puso ni Paraon, at ni hindi sya nakinig sa pakiusap ng kanyang mga Mahiko (v.19). Ang mga Ehipsio ay nag-aalay kay Geb para sa kasaganaan ng lupa. Ang orihinal na Bibliya Hebreo sa nasabi ring bersikulo, ang salitang ginamit ay kinnim (maghukay) kaya maaring ang mga kutong sinasabi ay pumapasok din sa balat (maghukay) ng tao.
IV. Pangapat na Salot, "Langaw" (Exodo 8:20 hanggang sa mga sumunod na mga talata)
20. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon; narito, siya'y pasasa tubig, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Payaunin mo ang aking bayan upang sila'y makapaglingkod sa akin.
21. Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa loob ng iyong mga bahay: at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw, at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila.
22. At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa.
23. At aking paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan: sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito.
24. At ginawang gayon ng Panginoon, at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw.
Si Khepri ang dios na may ulo ng salagubang. Sa orihinal Bibliyang Hebreo, walang walang nakasulat na salitang "langgaw", kundi sinabi lang ni Moises na "swarms", maaring nadagdag na lamang ito ng mga nagsalin, so maaring mga sari-saring insekto ang pinalabas ng Dios sa lupa para tuyain si Khepri
V. Panglimang Salot, Mamatay Ang Mga Alagang Hayop (Exodo 9: 4 hanggang sa mga sumunod na talata)
5. At ang Panginoon ay nagtakda ng panahon, na sinasabi, Bukas ay gagawin ng Panginoon ang bagay na ito sa lupain.
6. At ginawa ng Panginoon ang bagay na yaon ng kinabukasan, at ang lahat ng hayop sa Egipto ay namatay: nguni't sa hayop ng mga anak ni Israel ay walang namatay kahit isa.
7. At si Faraon ay nagsugo, at narito, walang namatay kahit isa sa kawan ng mga Israelita. Nguni't ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang bayan.
Si Hathor ang dios ng Ehipto na may ulo ng baka. Maraming dios-diosan ang Ehipto na nahahalintulad sa iba't ibang mga hayop, kaya nang magpakitang muli ng tanda ang Dios, namatay lahat ng mga hayop (livestock) sa kanilang bayan para ipakitang walang kabuluhan ang pagsamba sa mga hayop.
VI. Pang Anim Na Salot, Mga Bukol (Exodo 9:8 hanggang sa mga sumunod na talata)
8. At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Dumakot kayo ng isang dakot na abo sa hurno, at isaboy ni Moises sa himpapawid sa paningin ni Faraon.
9. At magiging durog na alabok sa buong lupain ng Egipto, at magiging bukol na naknakin sa tao, at sa hayop, sa buong lupain ng Egipto.
10.At sila'y kumuha ng abo sa hurno, at tumayo sa harap ni Faraon, at isinaboy ni Moises sa himpapawid; at naging bukol na naknakin sa tao at sa hayop.
11.At ang mga mahiko ay hindi makatayo sa harap ni Moises dahil sa mga bukol; sapagka't nagkabukol ang mga mahiko at ang mga Egipcio.
Maaring ang salot na ito ay naka direkta para kay Imhotep and dios ng Medisina para sa mga Ehipto. Ang sabi ng Bibliya, pati mga Mahiko ni Paraon ay hindi makatayo sa harapan ni Moises nang dahil sa nagna naknak na balat at hapdi ng bukol. Si Imhotep ay tunay na nabuhay noong panahon ni Haring Zoser ang Ehipto. Sya ay isang manggagamot, arkitekto at tagapayo ng Hari. Marami syang nagawang plano para sa mga gusali ng modernong Ehipto.
VII. Pang Pitong Salot, Ulan Ng Graniso (Exodo 9:18 hanggang sa mga sumunod na talata)
18. Narito, bukas, sa ganitong oras, ay magpapaulan ako ng malakas na granizo, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa Egipto mula nang araw na itayo hanggang ngayon.
19. Ngayon nga'y magsugo ka, ipasilong mo ang iyong mga hayop at lahat ng iyong tinatangkilik sa parang; sapagka't bawa't tao at hayop na maabutan sa parang, at hindi masisilong, ay lalakpakan ng granizo at mamamatay.
Ang salot na ito ay maaring nangyari sa panahon ng Enero (Exodo 9:31) dahil sa panahon ng pag-ani ng trigo. Malamang na ito ay direktang insulto kay Nut ang diosa ng kalangitan. Maaring nang maganap ang salot na ito, marahil, maraming nagtanong, nasaan si Nut ?
VIII. Pang Walong Salot, Balang (Exodo 10:12 hanggang sa mga sumusunod na talata)
12. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egipto, upang magdala ng mga balang, at bumaba sa lupain ng Egipto, at kumain ng lahat na halaman sa lupain, yaong lahat na iniwan ng granizo.
13. At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa lupain ng Egipto, at ang Panginoo'y nagpahihip ng hanging silanganan sa lupain ng buong araw na yaon, at ng buong gabi; at nang maumaga, ang hanging silanganan ay nagdala ng mga balang.
14. At ang mga balang ay bumaba sa buong lupain ng Egipto, at nagsipagpahinga sa lahat ng hangganan ng Egipto; totoong napakakapal; bago noon ay hindi nagkaroon ng gayong balang, at hindi na magkakaroon pa, pagkatapos noon, ng gayon.
15. Sapagka't tinakpan ng mga yaon ang balat ng buong lupa, na ano pa't ang lupain ay nagdilim; at kinain ang lahat na halaman sa lupain, at ang lahat na bunga ng mga kahoy na iniwan ng granizo; at walang natirang anomang sariwang bagay, maging sa punong kahoy o sa halaman sa parang, sa buong lupain ng Egipto.
Si Nepri and dios ng mga binutil (grains). Marami sigurong nagtanong sa mga tao kung nasaan si Nepri, si Ermutet, ang dios ng mga pananim. Muli pinakikilala ng Dios ang kanyang kapangyarihan kumpara sa mga dios diosan ng Ehipto.
XI. Pang Siyam Na Salot, Kadilimang Nahihipo (Exodo 10:21 hanggang sa mga sumunod na talata)
22. At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dakong langit; at nagsalimuutan ang dilim sa buong lupain ng Egipto, na tatlong araw;
23. Sila'y hindi nagkikita, at walang tumindig na sinoman sa kinaroroonan sa loob ng tatlong araw; kundi lahat ng mga anak ni Israel ay nagilaw sa kanikaniyang tahanan.
Alam naman natin na isa sa sinasamba ng Ehipto ay ang Amon at Rah, ang dios ng araw. pinakita lang ng Dios na walang magagawa si Ptah, ang gumawa raw ng buwan at bituin, si Tem, ang dios ng lumulubog na araw, si Shu na dios ng hangin.
X. Pang Sampung Salot, Mamatay Lahat Ng Panganay Ng Ehipto (Exodo 12:11 hanggang sa mga sumunod na talata)
11. At ganito ninyo kakanin; may bigkis ang inyong baywang, ang inyong mga pangyapak ay nakasuot sa inyong mga paa, at ang inyong tungkod ay tangnan ninyo sa inyong kamay; at inyong kakaning dalidali; siyang paskua ng Panginoon.
12. Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon.
13. At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto.
Basahin din ang Awit 78:44-51, Awit 105:28-36, Awit 135:8 at 136:10. Ang pinakamalagim na salot, dahil mamamatay ang lahat ng panganay sa Ehipto. Ito ay para patunayan na ang dios na Osiris na nagbibigay buhay ay walang magagawa sa kapangyarin ng Dios.